Sunday, November 18, 2012

Who is EGO?



"Introduce Yourself"..................

One of the very basic thing a man can do. But not all is ready to do it. Hindi naman kase tayo lahat ipinanganak na may taglay na Super Confidence at hindi rin lahat kayang humarap sa madla at sabihin kung sino siya at kung anong meron siya. Plus the fact na people are natural judgmental, kaya tuloy kahit pagbigkas ng pangalan hindi magawa-gawa. Why am I talking all these things??? It's because ako ay magpapakilala sa aking sarili dito ng buong katapatan na walang pag iimbot at walang halong "echos". 

NOTE: Marunong akong mag ingles pero mas pinipili kong magsalita ng tagalog sapagkat naniniwala ako na mas nailalabas ko ang aking tunay na emosyon kung ang wikang atin ang aking gagamitin. But...gagamitin ko parin naman ang wikang ingles. Remember what Dr. Jose Rizal said? "ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda". Ang baho kaya ng malansang isda? 
Anywaysss...

Hi. I'm Raymond Lomongo.

Tubong Cebu at may malakas na dugong Pilipino. Matatas sa wikang Filipino at wikang Ingles. Isang ordinary student sa isang mataas na paaralan. May taas na hindi lalampas sa isang ordinaryong pinto at sa mga player ng NBA. Mahilig manood ng movie, mag surfing, kumain, makipagdaldalan, bumili ng DVD sa kanto (yung malinaw ang copy), magbasa ng Bob Ong books, gumawa ng assignments on the day ng submission, mag cramming, gumising ng matagal, sa RnB music, umiyak sa mga touching stories sa TV, mag party-party, sa outing, sa unplanned adventure, sa horror booth, mag picture picture (wag lang stolen), mag-isa, makipag-usap sa sarili (baliw-baliwan?), kumanta, sumayaw, umacting, tumawa (at minsan sa walang dahilan), uminom..ng malamig na tubig, ma in-love, mag karoon ng jowa at bukas break agad, mag palit ng jowa, mag laro ng mga sinaunang laro at makabagong laro (like temple run), makinig ng chismis, mang asar, mangolekta ng short messages, magbihis, manghingi (especially yellow pad), makinig sa guro at sa magulang (walang kokontra), volleyball, sa mga obstacle race, gumawa ng designs, matulog sa jeep, makipaglaban sa mga masasamang nilalang sa school, tumulong sa kapwa (wala na namang kokontra) at higit sa lahat magbigay ng saya. 

Hindi ko na sasabihin ang mga ayaw ko, sakto na yung mga hilig ko sa buhay. Sakto na yung malaman niyo kung paano ako pasayahin. Eh baka pag sinabi ko gagawin pa ninyong sandata laban sa akin. Simple lang akong tao. May pangarap sa buhay at handang lumaban sa mga pagsubok na ibinibigay. 

"Si Ego ay si Raymond...may iisang layunin sa mundong ibabaw at parehong tutuklas sa mga bagay bagay na nakapalibot sa kanya. Dito magsisimula ang "The Ego Speaks", isang uri ng ekspedisyon na magbubukas at magpapalinawag sa anumang bagay dito sa mundo. 




No comments:

Post a Comment