Tuesday, November 20, 2012

Songbird with the Broken Wing


The Asia's Songbird Regine Velasquez lost her voice at her Silver Anniversary Concert due to viral infection last Friday November 16, 2012.

Yup..you've read it right. Sa araw ng isa sa pinakamalaking event ng kanyang buhay. Sa araw kung saan matutunghayan ng libo-libong fans ng nag-iisang Songbird ang angking galing sa pagkanta. Sa araw kung saan ipagbubunyi ang walang kupas na pambihirang talento. Nangyari ang hindi inaasahang pagkakataon. Pagkawala ng isang bagay kung saan siya tiningala at nakilala.

Tunay ngang life is crazy...unexpected things happen everyday. A concert that was expected to be a mind blowing event, filled with high key singing performances turns out to be an emotional and overwhelming moment of those people inside the arena. 

Kahit paos ay pinagpatuloy parin ng Songbird ang pagkanta. Hirap man sa pag-abot ng nota, hindi ito naging dahilan upang sumuko siya sa laban.



Totoo ang sinabi ni Vice Ganda sa kanya during the concert, hindi na niya kailangan patunayan sa madla na magaling siyang kumanta at kaya niyang bumirit ng pagkataas-taas. Dahil alam na ng buong mundo kung gaano siya kahusay sa kanyang larangan. In fact she was brave enough to continue the show and decided not to cancel the concert. Ang pagsimpatya, pag-unawa at hindi pag-iwan sa kanya ng mga tao sa gabing iyon ay isang patunay lamang na minahal nga siya ng sambayanan. Hindi sa kung ano ang kaya niyang gawin kundi kung ano siya bilang tao. Wala naman kasing perpekto, tao rin siya. At wala nino man ang nagnais na humantong siya sa ganoong kondisyon.



Ang nangyari kay Regine ay mag-iiwan ng aral sa atin. May pagkakataon talaga sa buhay ng tao na hahantong sa sitwasyon kung saan ang inaasahan nating bagay na hindi tayo bibiguin ay ito pa ang maglalagay sa atin sa isang suliranin. At hindi ang pagtalikod ang solusyon upang maisayos ang mga bagay-bagay kundi ang pagharap sa hamon ng pasulong. 

May boses man o wala ang Songbird ay mananatiling ihemplo parin siya ng kahit na sino man na nangarap umunlad, at minsan sa paglalakbay nadapa ngunit bumangon at taas noong hinarap ang lipunang ginagalawan. 

Yan si Regine Velasquez ang nagmamay-ari ng isang tinig na kailanman hindi kayang tumbasan na kahit ano man. Saludo kami sa iyo. Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit proud kaming iwagayway ang watawat ng Pilipinas at tawaging Pinoy. Maraming salamat sa iyo IDOL. 

Regine with her Baby Nate and her Father

Soar high Songbird!







1 comment:

  1. Casinos with jackpot slots 2021 - DrMCD
    Check out the most popular jackpot slots 2021. 성남 출장샵 This 부산광역 출장샵 one is a top-down and 경상남도 출장마사지 top-down 강릉 출장마사지 gaming platform. This one is not only available on 광양 출장샵 mobile phones but also

    ReplyDelete