Thursday, November 22, 2012

"Pinoy Syndrome" PART 1


Tayong mga Pinoy kilala bilang isa sa mga lahi na bukod tangi. Isang lahi kung saan maipagmamalaki sa buong mundo. Ayon pa sa mga dayuhan may katangian daw tayo na hindi mo makikita sa iba. Bukod sa magiliw sa mga panauhin (hospitable), makatao, ay namumukod tangi daw ang ating pagiging masiyahin. 

PERO.. ooppss.. teka lang naman. Tila ba hindi na natin napapansin na si Juan Dela Cruz ay may tinataglay na hindi kanais-nais na mga kaugalian din. Sa pagdaan ng panahon para bang parami ng parami na ang tumataglay at tumatangkilik nito.

Kaya gumawa ako ng listahan ng mga kaugalian o sakit kung maituturing na Only Made in the Philippines. 

No.1 Leftover

Ganyan tayong mga Pinoy. Lakas nating kumain pero bakit kapag humantong na sa punto na isa na lang  o kapiraso na lang ang natitira sa kinakain nating pagkain hirap pa natin itong ubusin. Hiyang-hiyang naman ang mga Tsino sa atin. Kung sila simot lahat ang pagkain na nasa pinggan, tayo mga Pinoy nag-iiwan ng remembrance sa ating hapagkainan. 

No. 2 I'm Lucky 


Sa hirap ng buhay lahat gustong umangat ng instant. Kaya kahit ang huling sampung piso sa bulsa ay ginagamit upang ibili ng sweepstakes para sa isang pangarap na manalo at umaahon sa kahirapan. Kadalasan sa ating mga Pinoy umaasa lamang sa swerte kaya tuloy baon parin sa kahirapan.

No. 3 MaƱana Habit


Isang ugali na kahit ang bata makaka relate na. Eh paano ba naman, bata pa lang  nasanay na tayong mga Pinoy na gawin ang mga assignments at projects on the day before the deadline. Feeling kase natin hindi tayo nauubusan ng bukas. Hindi na natin napapansin na tambak-tambak na pala ang ating mga gawain. Kaya ang nangyayari? Hagard na! 

No. 4 I Eat With My Barangay


Tuwing may fiesta, birthday party, wedding o kahit anong celebration hindi nawawala ang pagkain. At likas sa ating mga pinoy ang mag imbeta ng mga kakilala o kamag-anak. Pero tayong mga pinoy, kapag iniimbitahan sa mga ganyang salo-salo hindi pwedeng mag-isa pumunta. Kailangan may kasama o buong barangay ang dadalo at for sure makikikain. Eh kase naman, nakakahiya kayang mag-isa.

No. 5 Yes! I'm Proud to be Pinoy


Isa nga sa mga magagandang katangian ng Pinoy ay may mahusay na talento at kayang makipagtagisan sa ibang bansa. Tunay nga ang tagumpay ng isa ay tagumpay rin ng lahat. Pero bakit yung mga nananalo at bumida sa ibang bansa lang ang nabibigyang pansin? Dito na nakakaroon ng problema. Ang lakas nating makisabay sa tagumpay ng isa at magmalaki na "proud akong maging Pinoy", pero kung hindi naman nagtagumpay walang imik. Eh after all hindi naman tayo ang naghirap sa tagumpay nila diba?


TO BE CONTINUED....








2 comments:

  1. ahaha...tamah!!!same comment...haha...
    kaya pala hirap umusad nang pinoy...hindi natin binigyan pansin ang mga kaliit-liitang bagay na maaaring makapagpabago ng ating kinabukasan...
    hope hindi na mamana ang ganitong ugali sa mga susunod na henerasyon..:)

    ReplyDelete