CONTINUATION...
No.6 Really, Super Discount?
Hindi na nga pangkaraniwan sa ating mga Pinoy ang pagkahumaling sa mga salitang SALE, Discounts, Free, Buy 1 Take 1 at kung ano pang salitang magpapagaan sa bulsa natin. Eh kung tutuusin isang uri lang naman itong strategy ng mga nagtitinda upang ang kanilang produkto ay mabenta. Kaya minsan, napipilitang mangutang sa kaibigan at goodluck kung ito pa ba ay mababayaran.
No. 7 Sentimental Value
Nakaugalian na nating mga Pinoy na hirap mag let go ng mga bagay bagay. Lalo na't ito ay may sentimental value. Galing pa sa crush, sa mga kamag-anakan sa ibang bansa, sa kaibigan, souvenir sa napuntahang lugar at kahit yung napulot lang sa kung saan-saan. Tago dito, tago doon, tambak dito, tambak doon. At sa dinami-rami na ng mga bagay na naiipon hindi na natin pansin na nagmimistula na itong binagyong hardin.
No. 8 Curious Lang Naman!
Wala namang masama sa pagiging curious. Pero tayong mga Pinoy, wari isang shooting ng pelikula kung tayo
makisaksi sa mga pangyayari sa lansangan. At minsan sa oras na nadakip na ng kapulisan ang suspek sa isang krimen, ay hindi rin tayo nagpapahuli mismo tayo nakikibugbog din. Yung totoo, tayo ba ang biktima?
No. 9 Ningas Cogon
Hindi maipagkakaila na sadyang magagaling tayong mga Pinoy....sa SIMULA. Mahilig tayong magpabida na kaya nating tapusin ang mga trabaho kahit hindi man natin gustohin. Gawa na rin siguro ng katamaran kaya hindi na natatapos ang mga dapat tapusin to the point na mababaon na lang ito sa limot.
No.10 Foreign Invasion, LIKE!
Parte na siguro ng sistema nating mga Pilipino ang humanga sa likha at kaugalian ng mga ibang lahi. Dahil kung ating papansinin mula sa gupit ng buhok, tipo ng pananamit, klase ng kanta hanggang sa pananalita tunay ngang isa na tayong ganap na dayuhan sa sariling bayan. Kaya't hindi na nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon hindi magawang umunlad ang sariling atin.
BONUS: Filipino Time!
Walang kawala ang sino mang Pinoy dito. Lahat guilty sa ganitong sakit. Ang iba kung makapagsalita ng "SHARP" sa desididong oras parang sila mismo ang mag-aangat kay haring araw sa Pilipinas. At minsan sa isang napagkasunduang lakad mas maaga pang dumarating yung taong nakatira sa pinakamalayong bahay mula sa napagkasunduang lugar. Sagad na sagad na ito sa mga listahang ganito at lahat sasang-ayon na ilagay ito sa pinaka-una. Eh kase nga lahat tayo GUILTY!
Ayon nga kay Antoine de Saint - Exupery isang magaling na makata."The time for action is now. It's never too late to do something." Ang ibig sabihin lang niyan, walang pinipiniling oras ang pagbabago hangga't ito ay ating nais at bukal sa loob ng ating mga puso.
Kung tutuusin ang kaugaliang ito hindi naman mahirap supilin. Nasa sa tao parin ang kagustuhan upang itama ano man pagkakamali meron siya. Bilang isang Pilipino, huwag nating hayaan na makulong tayo sa ganitong sistema at kaugalian. Patunayan natin na tayo ay isang lahing katangi-tangi. Taglay ang kaugaliang ipagmamalaki kahit saan man.